PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan ang Supplemental Budget No. 3 ng Provincial Government of Occidental Mindoro na nagkakahalaga ng Php43,406,389.55.

Malaking bahagi ng nasabing budget ay nakalaan sa Covid-19 response ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang pagpapatibay ng nasabing Supplemental Budget ay ginanap kahapon, October 19, 2021, sa ika-108 na Regular Session (Hybrid) na pinangunahan ni VG Peter De Jesus Alfaro sa motion nina Bokal Son Pablo at Bokal Nnt Nesty Tria na pinangalawahan ng lahat.