𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗛𝗲𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝟮𝟬𝟮𝟮 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄

Tinapos ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan kaninang 3:30 PM ang committee hearing nito hinggil sa Proposed 2022 Budget ng Lalawigan nang halos walang bawas.
Nagtapos ang nasabing hearing pagkatapos sumulat ang SP ng 3 beses sa tanggapan ng Gobernador kung kaya’t sila (mga namumuno mula sa ibat-ibang tanggapan na nasa ilalim ng Provincial Governor’s Office) ay dumalo sa hearing, nagtanggol ng budget at sumagot sa mga katanungan ng mga kasapi ng SP.
Dumalo sa pagpupulong sina VG Peter Alfaro, Bokal Sonia Pablo, Bokal AJ Rebong, Bokal Michelle Festin-Rivera, Bokal Nestor Tria at Bokal Jun Abeleda.
Sa pangunguna ng SP Presiding Officer, Hon. Peter J. Alfaro, nag-resume ang nasabing hearing kaninang alas-10:00 AM at nagtapos ng 3:30 PM.
Dumalo via Zoom sa loob ng 5½ oras ang mga namumuno sa bawat tanggapan o unit na nakapaloob sa tanggapan ng Gobernador, ang pinakahuling departamento na dumalo sa budget hearing.
Magpupulong muli ang Committee of the Whole sa Lunes, January 24, 2022 upang likumin ang mga position papers ng bawat kasapi at pagtibayin ang rekomendasyon ng nasabing komite para isalang at desisyunan sa plenary session ng SP kinabukasan, araw ng Martes, January 25, 2022.