PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan sa 122nd Regular Session ang 2022 Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro

PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan sa 122nd Regular Session ang 2022 Annual Budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro. Ideneklara at ipinukpok ng Presiding Officer, Honorable Vice-Governor Peter J. Alfaro, ang gavel takda ng pagpapatibay. Ito ay naganap pagkatapos na mag-motion si Kagalang-galang Bokal Sonia Pablo, Chair ng Committee on Appropriations, at nagkaroon ng unanimous approval ang nasabing Budget mula sa lahat ng labing-tatlong dumalong kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa nasabing 2022 Annual Budget, kasama sa pinagtibay ang pagkilala sa SP Resolution No. 9, s. 2022, na naglalahad ng mga rekomendasyon ng Sangguniang Panlalawigan. Ang nasabing mga rekomendasyon ay ang mga kondisyon o alituntunin sa paggastos ng Budget.
Nagpasalamat ang bawat kasapi ng Sangguniang Panlalawigan sa pagkakapasa ng 2022 Annual Budget.
Bago magsimula ang nasabing 122nd Regular Session, nagkaroon ng pag-uusap ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at ang Gobernador, Kgg. Eduardo B. Gadiano, na ginanap sa Provincial Governor’s Office. Pagkatapos ng pag-uusap, sa ganap na 10:32 AM, binuksan ng Bise-Gobernador, bilang presiding officer, and 122nd Regular Session.
Mga dumalo sa 122nd Regular Session:
1) Vice-Governor Peter J. Alfaro, Presiding Officer
2) Bokal Diana C. Apigo-Tayag
3) Bokal Philip Ramirez
4) Bokal Sonia Pablo
5) Bokal Edwin Mintu
6) Bokal Michelle Festin-Rivera
7) Bokal AJ Rebong
8.) Bokal Eleonor Barrera
9) Bokal Emmanuel Abeleda
10) Bokal Ernesto Jaravata
11) Bokal Nestor Tria
12) Bokal Abe Pangilinan (ABC)
13) Bokal Juanito Lumawig (IPMR)
14) Bokal Trisha Kaye Fabic-Mancilla (SK)
15) Bokal George Oreiro (PCL)